Standing here before you brings back cherished memories. More than 20 years ago, my husband and I attended our eldest son’s nursery school graduation. Looking at your faces today, I can understand the excitement and pride you feel today.
I am grateful and flattered having been I invited to speak in your graduation. Let me first congratulate all of you on your children’s graduation. Nais ko ring batiin ang lahat ng mga bata na magtatapos sa antas na nursery, kinder at prep. Masaya ba kayo?
Talagang masaya ang skul. Marami kayong ginagawa katulad ng pagsusulat, pagbabasa, pagbibilang. Ano pa? Pagkolor, pagkanta, pagsayaw, paglalaro. Alam nyo bang mapalad kayo? Maraming bata ang hindi nakakapag-aral. Kaya dapat mag-aral kayong mabuti. Ang batang masipag mag-aral lalaking matalino, masaya, maytiwala sa sarili at maydisiplina sa sarili. Ang palatandaan ng batang nag-aaral ay may mabuting ugali. Kapag ang bata ay “bad”, ibig sabihin, di niya ginamit ang tinuro sa kanya sa skul.
To the blessed parents of the graduates, I admire you for the high value you give for education. I am sure you are aware that many elementary graduates cannot read properly; that many high school graduates cannot write a simple paragraph; and worse, many college graduates are jobless due to lack of required skills to perform certain tasks. Kayang-kaya nila ipasa ang Grade I readiness test. Ang mga anak ninyo at nakakasiguro na sila ay mahusay sa maraming gawaing akademic kung ihahalintulad sa iba kapag sila ay nag-aaral na sa mataas na baytang. Nakakasiguro din kayo na ang anak ninyo ay hindi mabibilang sa mga drop outs.
Meron lang sana akong ipapakiusap sainyo. Ituring nyong payong kaibigan. Ang edukasyon ng anak natin ay di dapat lahat iasa sa skul at titser. Ang tunay na edukasyon ay nagsisimula sa loob ng tahanan. Tayong mga magulang ang unang titser ng ating mga anak. Ang kagandahang asal ay tinuturo natin kahit sila ay sanggol pa. Kapag sila ay pumapasok na sa skul, di ibig sabihin nyan na wala na tayong pakialam. Ito ang isang malaking hinanakit naming mga titser sa mag magulang sa public high school . Nagpapatawag kami ng miting, di dumadalo. May problema ang anak, di man lang dumalaw sa skul. Madalas, kapag ang mga magulang ay walang pakialam sa anak, bumabagsak o nag dadrop-out ang kawawang anak. Ayaw nating mangyari yan sa ating mga anak, di po ba?
Mga bata, gusto nyo ba ng kwento? Ang kwento ni Teodora Alonso sa kanyang anak na si Jose Rizal na ating pambansang bayani. Si Jose noon ay tinuturuan magbasa ng kanyang nanay. Kaya lang, tinatamad magbasa si Rizal. Kaya nagkwento na lang ang nanay. Alam nyo ba ang gamu-gamo? Ito ay maliit na paru-parong mahilig lumipad palibot sa ilaw. Noong panahon kasi ni Rizal, di pa uso ang kuryente. Ang gamit nila ay lampara. Si gamu-gamo pinagsabihan ng kanyang nanay na wag lalapit sa ilaw baka siya ay masunog. Si anak, gandang-ganda sa liwanag ng ilaw. Di niya pinakinggan si nanay. Lapit, lapit. E, napasobra ang lakas ng lipad. Kaya nasunog ang kanyang pakpak. Bumagsak, namatay si kawawang gamu-gamo. Ano ang aral na napulot nating sa kwento? Na ang mga bata ay dapat laging masunurin. Mangangako ba kayo na magiging masunurin?
Marami pong salamat sa pakikinig. Muli, congratulations sa inyo!
Saturday, December 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment